Bagama’t walang pisikal na pagdiriwang para sa ika-265 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Bataan dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, mas pinili ng iba’t ibang yunit pamahalaang lokal (LGUs) na idaan sa social media ang kanilang paggunita sa mahalagang araw na ito.
Iisa ang naging tema ng bawat bayan sa kanilang mensahe na, iniaalay nila ang araw na ito sa lahat ng Bataeno na patuloy na nagsusumikap na manatiling matatag, maginhawa at panatag ang buhay sa gitna ng pandemya.
Matatandaang nagsimula ang paggunita sa araw na ito (Jan. 11) nang isulong ng ating dalawang kinatawan, Rep. Geraldine Roman ng Unang Distrito at Rep. Joet Garcia ng Ikalawang Distrito ang House Bill 1138 na naisabatas matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 2018
The post Ika-265 anibersaryo ng pakakatatag ng Bataan, ginunita appeared first on 1Bataan.