Matapos ang Incident Command System Training para sa mga punong bayan, sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia kasama ang Civil Defense ng Region 3 at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa the Bunker ay agad inaksyunan ito ng mga punong bayan.
Ang nasabing training ay naglalayong maging organisado ang pamantayan ng chain of command ng bawat bayan sa buong lalawigan upng matiyak ang mabilis at epektibong paghahanda sa anumang oras ng sakuna.
Kung kaya’t matapos ang nasabing training ay agad na ibinaba ito ni Mayor AJ Concepcion sa Mariveles sa pamamagitan ng isang pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management group na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensya sa munisipyo.
Isa sa tinalakay ay paggawa ng isang project proposal para sa Special Trustfund na makatutulong sa kakayahan ng MDRRMO sa pagresponde at pagbibigay proteksyon sa kanilang mga kababayan sa oras ng sakuna.
Ayon pa kay Mayor Concepcion, ang pagdaraos ng Incident Command System Training sa Municipal Level ay para sa maayos na koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga opisyal at mga tauhan para masiguro ang episyenteng pagresponde gayundin maayos na paggamit ng pondo at iba pang resources.
The post Incident Command System Training, ibinaba na sa mga bayan appeared first on 1Bataan.