Inter-high school sports fest winners, pinarangalan

Philippine Standard Time:

Inter-high school sports fest winners, pinarangalan

Isang simpleng parangal ang inihandog ni Mariveles Mayor AJ Concepcion sa mga nanalong players sa katatapos na 23rd Inter High School Sports Festival.

Ayon kay Mayor AJ Concepcion, matagumpay ang natapos na sportsfest na inabangan ng sambayanan matapos ang dalawang taon ng pandemya.

Ayon pa sa kanya, mahalaga na higit pang mapalawak at mapaunlad ito dahil dito tayo kumukuha ng mahuhusay na manlalaro na ipinanglalaban natin sa malalaking palaro hindi lamang sa probinsya kundi maging sa mga regional tournaments.

Champion ang Mariveles National High School (MNHS)- Camaya sa basketball, MNHS- Malaya sa Volleyball Girls and Boys, SNCSM sa table tennis.

Wagi naman ang SHSB sa Mr. Inter-high at MNHS-Poblacion sa Ms. Inter-high gayundin ang SITC sa dance trio.

Sinabi ni Mayor Concepcion na nang mag-courtesy call sa kanya ang dalawang grupo ng mga basketball players ay binigyan niya ang mga ito ng moral support at cash assistance para sa pagsali ng mga ito sa darating na MILCU Sports sa Region 3.

Pinasalamatan din ni Mayor Concepcion si SK Federated Pres. Vincent Charles Banzon, Konsehal Ivan Ricafrente at Engr.Ildefonso Tarriela at iba pang bumubuo ng Sports Committee para sa matagumpay na pagdaraos ng nasabing sports festival.

The post Inter-high school sports fest winners, pinarangalan first appeared on 1Bataan.

The post Inter-high school sports fest winners, pinarangalan appeared first on 1Bataan.

Previous Pasasalamat sa pagbibigay seguridad sa Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.