Dalawang araw na engrandeng selebrasyon ang ginawang pagdiriwang ng Ina ng Hermosa sa pamumuno ni Atty Adorable “Anne” Inton nitong nakaraang Sabado at Linggo (Sept. 14-15) na dinaluhan nang may pitong libong mga kababaihan mula sa buong bayan ng Hermosa. Dalawang grupo ng clustered bgys ang ginawa nila sa magkahiwalay na araw para makasama ang lahat mga kababaihan sa nasabing pagdiriwang.
Ayon kay Atty Anne Inton napakahaba na ng tinahak na landas ng grupo gayundin ang mga serbisyong ginawa nila hindi lamang para sa mga kababaihan kundi sa mga mamamayan ng Hermosa sa loob ng limang taon, na nais niyang ipagpatuloy ang pagbibigay ng inspirasyon at lakas sa mga kababaihan sa kanilang bayan. Gayundin nais niyang ipadama na sila ay pinahahalagahan, minamahal at patuloy na kinakalinga.
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Ina ng Hermosa sa pamumuno ni Mayor Jopet Inton at buong puwersa ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Patrick Rellosa. Tunay na engrande ang selebrasyon dahil hindi lamang ang dumalong mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay ng Hermosa ang nagtanghal ng kani-kanilang production numbers, sila rin ay tumanggap ng tig-mahigit limang kilong bigas, raffle prizes at ang 1st prize na 55 inch UHD TV at cash prizes.
Nagtanghal ang mga showbiz personalities na sina Joshua Zamora at Jay Arcilla at pinalakpakan ang dance move ni Mayor Jopet Inton. Ayon sa kanyang mensahe, matatapos na ang kanyang termino pero tuloy pa rin ang pag”LIPAD ng HERMOSA, dahil magpapatuloy ang mga programa sa pag unlad ng bayan ng Hermosa Naroon din para magbigay ng suporta sina Pusong Pinoy partylist Representative Jett Nisay at Cong. Geraldine Roman na kinatawan ni Bokal Tonyboy Roman.
The post Ipinagdiwang, ika-5 taong anibersaryo ng Ina ng Hermosa appeared first on 1Bataan.