Sa paanyaya ni Rep. Christopher de Venecia, Chairman, Special Committee on Creative Industries, kaugnay sa pagdiriwang ng Creative Industries month ay tumugtog ang Jose de Piro Kabataan Orkestra ng Brgy. Pagalangang, Dinalupihan sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 19th Congress.
Ayon kay Congresswoman Gila Garcia, sila nina Mayor Tong Santos at Mrs. Tey Santos, Chaiperson ng Dinalupihan Tourism, ang nagdala sa Jose de Piro Kabataan Orkestra sa Kongeso, na ipinakita ang galing sa pagtugtog ng Pambansang Awit ng Pilipinas at Panalangin sa pagsisimula ng plenaryo, na hinangaan nang lahat ng nakasaksi at nakarinig.
Sinabi din ni Cong. Gila na ang nasabing Orkestra ay programa ng Parokya ng St. Catherine de Alexandria ng Brgy. Pagalanggang, Dinalupihan sa pangunguna ni Fr. Josep Cremona para magbigay ng pag-asa sa mga kabataan sa pamamagitan ng musika.
Ang nasabing programa, ay libre at bukas sa lahat ng kabataan, 7 taong gulang pataas, para sa pagsasanay sa pagtugtog na ang mga musical instruments ay donasyon mula sa bansang Malta, gayundin ang mga guro, na may accreditation sa ” The Associated Board of Royal School of Music.”
The post Jose de Piro Kabataan Orkestra, tumugtog sa kongreso appeared first on 1Bataan.