Hinangaan ang pagtugtog ng Jose Depiro Kabataan Orchestra sa SM City Bataan nitong nakaraang linggo. Ayon sa ilang nakapanood ng kanilang pagtugtog, talaga silang naaliw sa mga klasikong awiting pamasko.
Ang mga bumubuo sa Jose Depiro Kabataan Orchestra ay mga kabataang mula sa Barangay Pagalanggang, bayan ng Dinalupihan na tinutulungan ni 3rd District Congresswoman Gila Garcia upang mapabuti pa ang kanilang pag aaral at pagtugtog. Ang mga nasabing kabataan ay mula sa edad na pito (7) pataas ay tinuturuan sa pagtugtog ng iba’t ibang instrument instrument na donasyon mula sa bansang Malta habang ang kanilang musical instructor ay accredited ng Association of the Board of the Royal Schools of Music.
Ang grupo, na nagsimula lang sa isang maliit na programa sa pagtuturo ng musika sa mga disadvantaged children para sa eucharistic celebration sa Parokya ng St. Catherine de Alexndria, ay itinatag ng missionary priest na si Fr. Joseph Cremona.
At dahil sa suporta ni Cong Gila, lumaki ang grupo sa 60 na binigyan niya ng scholarship upang makapag-aral sa kolehiyo. Ilan sa kanilang mga piyesang ay, “Parade of Charioteers, Barbier of Seville at Les Miserables”.
The post Jose Depiro Orchestra, naghatid ng mga awiting pamasko appeared first on 1Bataan.