Personal na namahagi ngayong Lunes si Hermosa Mayor Jopet Inton ng mga business starter kits para sa 120 benepisyaryo ng mga women’s group kasama ang mga miyembro ng KALIPI at samahan ng mga solo parents.
Naglalaman ang bawat starter kit ng big syringe, mixing bowl, measuring spoon, clean wrap, large steamer, cake rack round, measuring cup, cellophane, nylon string, food tong, at aluminum foil.
Ayon kay Mayor Inton, kaugnay ito ng nagdaang selebrasyon ng Women’s Month na ginanap noong March 28, 2022 sa Hermosa Business Club Production Center sa mga nakiisa sa training workshop ng kursong “Sweet Ham Processing and Preservation.”
Tinalakay sa nasabing workshop ang iba’t-ibang estrahiya pagdating sa mga pagkakakitaan, at iba pang maaaring pwedeng maging negosyo. Layunin din ng programang ito na patuloy na magkaroon ng kita ang ating mga kababaihan ng Hermosa lalo na ngayong hindi pa lubusang natatapos ang pandemya ng Covid-19.
Nakasama ni Mayor Jopet sina Konsehala Luz Jorge Samaniego, Dr. Olivia Siccion isa sa mga trainors, Dr. Leslie Jorge Acain, Baby Somesierra women worker, Jengkie Gonzales ng DTI, at si Neth Jaring mula sa MSWDO Hermosa.
The post Kababaihan ng Hermosa nabiyayaan ng starter kits appeared first on 1Bataan.