Tunay na patungo na sa pag unlad ang Barangay Sumalo sa pagkakaroon ng iba’t ibang magagandang proyekto tulad ng pagsailalim ng 56 na kababaihan sa livelihood training sa tulong ng Bataan Peninsula State University.
Sa mahusay na pagtuturo ni G. John Robert S. Garcia ng BPSU Extension and Training Service Office, ang mga kababaihan ay tinuruan sa paggawa ng longganisa, tocino at siomai.
Sa mensahe ni Ms. Angela Litton- Falcon, Manager ng Riverforest Development Corporation (RDC), sinabi niyang layunin ng isinagawang skills training na mabigyan ang mga kababaihan ng kaalaman sa food processing, hindi lamang para makatipid, dahil sa kanilang matututunan ay makagagawa na sila ng baon para sa kanilang mga anak at mula dito ay pwede na rin silang magnegosyo.
Sinabi rin ni Ms. Falcon na marami pang livelihood trainings ang gagawin para sa mga mamamayan ng Sumalo tulad ng welding at motorbike repair para sa mga kalalakihan. Ayon naman sa mga kababaihan, natutuwa sila dahil malaking tulong ito para sa kanilang pamilya gayundin magkaroon sila ng negosyo mula dito.
The post Kababaihan ng Sumalo, sumailalim sa livelihood training appeared first on 1Bataan.