Iba talaga kapag si Congresswoman Gila Garcia ang umaksyon, dama mo ang tunay na pagpapahalaga. Ito ang naramdaman ng mga babaeng lider ng lalawigan nang dalhin sila ni Cong. Gila sa Kongreso sa pagdiriwang ng Women’s month ngayong Marso, kung saan siya ang acting Majority Floor Leader sa all Women’s session sa Plenaryo nitong ika-4 ng Marso.
Inimbitahan ni Cong. Gila na dumalo ang mga kababaihang lider sa Bataan, gaya ng mga mayor, vice mayor, Sangguniang Bayan members at mga punong barangay mula sa apat (4) na bayan ng ikatlong distrito, gayundin ang mga lider ng mga organisasyon ng KABALIKAT, KALIPI at KABAKA para makipagdiwang kasama ang lahat ng mga babaeng Kongresista ng buong bansa.
Ayon kay Cong. Gila, ang nasabing pagdiriwang ay tradisyon na ng House of Representatives kapag dumarating ang buwan ng Marso, kung saan ang mga babaeng mambabatas ang nangunguna sa pagsisimula ng sesyon sa Plenaryo, at ito ang nais ni Cong. Gila na makita ng ating mga kababaihang lider dito sa lalawigan.
Sa kanyang mensahe pinuri niya ang Kagitingan, Katalinuhan at Kagandahan ng bawat Filipina, na nais niyang mabigyan ng pantay na karapatan at pagpapahalaga sa kanilang kakayahan, na siyang nagbibigay liwanag at inspirasyon hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging sa buhay ng ibang mamamayan.The post Kababaihang lider ng Bataan, binigyang halaga appeared first on 1Bataan.