Sa mensahe ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa komemorasyon ng ika-80 taon ng Araw ng Kagitingan na binasa ni Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi ditong napakarami nating magagaling na frontliners (doctors, nurses at iba pang mga medical personnel) ang nagbuwis ng buhay para sagipin at alagaan ang mga maysakit dulot ng COVID-19, tulad din ng ating mga beterano na inialay ang kanilang buhay para sa ating kalayaan.
Hiniling din niya na sana ay muli tayong magmartsa at tumindig nang walang takot sa ating pagboto sa ika-9 ng Mayo ng mga matitinong lider ng ating bansa, tulad ng ating mga sundalo, 80 taon na ang nakalilipas, na nagmartsa sa lalawigang ito (Death March), hindi alintana ang kamatayan.
Sa mensahe naman ni Gob. Abet Garcia, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng sakripisyo ng ating mga beterano na inialay ang kanilang buhay, 80 taon na ang nakalipas; tapos na ang digmaan at ang naiwan sa atin ay diwa at ala-ala ng kabayanihan.
Nakasama sa paggunita sa Araw ng Kagitingan sina Ambassador Koshikawa ng Embahada ng Japan at Charge’ d’ Affaires Heather Variava ng Embahada ng Amerika.
The post Kabayanihan ng mga frontliners, sentro ng mensahe ni PRRD appeared first on 1Bataan.