Kadiwa rolling store ng Balanga City, inilunsad

Philippine Standard Time:

Kadiwa rolling store ng Balanga City, inilunsad

Inilunsad kahapon, ika-18 ng Abril ang KADIWA ng Pangulo at “Kalutong Pilipino” sa Plaza Mayor de Balanga bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang sa parating na Fiesta ng Lungsod ng Balanga City sa April 28.

Ayon kay City Agriculturist Nerissa Mateo, ni-level up nila ang Kadiwa ng Pangulo sa Balanga City, kung saan ay ginawa nila itong Kadiwa Rolling Store na umiikot sa iba’t ibang barangay, Ikinatuwa umano ito ng Dept of Agriculture bilang isang Best Practice kung kayat sila ay pinagkalooban ng P3M upang makabili pa ng tatlong (3) karagdagang sasakyan para marami pang Kadiwa Rolling Stores ang lilibot sa buong syudad.

At para magkaroon ng magandang twist ang kanilang Kadiwa sa Balanga City, nagpamigay sila ng tig-200 pisong cash vouchers sa unang 200 customers na ipambabayad sa mga bibilhin nila sa Kadiwa store. Dinagdagan naman ito ng 50 pirasong tig-100 pisong vouchers ni Pusong Pinoy Partylist Cong Jette Nisay, samantalang 50 basket ang ipinagkaloob ng CENRO para sa unang 50 customers. Nagkaloob din ang mga merchants ng PISO DISKWENTO kung saan ang lahat ng bibilhing produkto ay may bawas na piso.



Kinilala naman ni Pusong Pinoy Partylist ni Cong Jette Nisay ang pagsisikap ng mga mangingisda at mga magsasaka. Ayon pa rin kay Cong Nisay, nag-commit umano si DA Sec Francisco “kiko” Laurel Tiu ng Solar-powered water irrigation at cold storage facility para sa Balanga.

Matapos ang programa ng Kadiwa ng Pangulo ay isinunod na rin ang “Kalutong Pilipino” kung saan ang mga kababaihang KAANIB ay nagpaligsagan sa pagluluto ng pagkaing Pilipino gamit ang iba’t ibang gulay na kanilang ani.

Dumalo rin sa programa sina Konsehal Benjie Meriño, Konsehala Jowee Nisay, mga department heads ng City Government of Balanga gayundin ang mga kinatawan ng DILG, DOLE at mga opisyal ng lalawigan.

The post Kadiwa rolling store ng Balanga City, inilunsad appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan combats marine plastic waste

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.