“Kailangan lamang ipatupad ang lokal na batas o municipal ordinance at mga protocols.” Ito ang pahayag ni Board Member Jorge Estanislao ng bayan ng Morong, kaugnay ng sunud-sunod na kaso ng pagkalunod (drowning incident) sa mga bayan ng Morong at Bagac nitong mga nakaraang linggo.
Sinabi ng chairman ng Komite ng Kalusugan na dapat naiwasan ang mga pagkalunod at pagkasawi ng mga beachgoers o mga lokal na turista sa Morong at Bagac kung sumusunod lamang sa batas ang may-ari ng beach resort.
“Ang karamihan sa kanila (beach owners) tumatanggap ng customer kahit masama ang panahon, ang iba walang permit,” saad pa ni Estanislao.
Sa buong Gitnang Luzon ang bayan ng Morong at Bagac ang dinarayo ng mahilig magpicnic ay lumangoy dahil sa kaakit-kaakit at malinis na dagat.
“Dapat lang ipatupad nang mahigpit ang mga municipal ordinances tungkol sa mga protocols sa ating beach resorts,” dagdag pa ni Estanislao.
The post Kailangan lamang implementasyon – Bokal Estanislao appeared first on 1Bataan.