Kaligtasan ng mga mag-aaral sa face-to-face classes, tiniyak

Philippine Standard Time:

Kaligtasan ng mga mag-aaral sa face-to-face classes, tiniyak

Maayos na bentilasyon ng mga silid-aralan, sapat na supply ng face mask para sa guro at mag-aaral, at access sa mga hand washing o sanitation areas.

Ito ang ilan sa mga naging suhestiyon ni Bataan Provincial Health Consultant, Dr. Tony Leachon sa ginanap na pulong ng Bataan Provincial School Board kasama ang mga opisyal ng Department of Education Schools Division ng Bataan at Balanga City nitong Martes sa The Bunker at The Capitol, Martes ng umaga.

Ayon kay Bataan Governor at Provincial School Board Chairman Joet Garcia, tinalakay nila sa naturang pulong ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa muling pagbubukas ng klase ngayong panahon pa rin ng pandemya.

Tiniyak naman ni Gov. Garcia na ang lahat nang ito ay nakahanda na sa bawat paaralan at ipinaabot din niya sa publiko na patuloy na nakaalalay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa mga pangangailangan ng mga guro at mag-aaral, upang mapanatiling mataas ang kalidad ng edukasyon sa Probinsya nang hindi isinasaisantabi ang kalusugan ng bawat isa.

Sa national scale, isang linggo bago magsimula ang klase sa mga pampublikong paaralan, nakipagtulungan ang Department of Education (DepEd) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at organisasyon mula sa pribadong sektor para sa pambansang paglulunsad ng “Oplan Balik Eskwela” (OBE) 2022.

Ang OBE ay isang taunang inisyatiba ng DepEd para makipag-ugnayan sa mga ahensya, organisasyon, at iba pang stakeholder bilang paghahanda sa pagbubukas ng school year sa Agosto 22, 2022. Ang OBE ay tatakbo mula ika-15 hanggang ika-26 ng Agosto 2022.

The post Kaligtasan ng mga mag-aaral sa face-to-face classes, tiniyak appeared first on 1Bataan.

Previous SP approves ‘Swine AI Project’ in Abucay

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.