Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pamumuno ni Mayor Jopet Inton ng Programang Kalingang Hermoseño sa pamamagitan ng pagbibigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS para sa kanyang mga Kababayan sa mga Barangay ng Hermosa, Bataan.
Nitong Miyerkoles ay sa Brgy. Maite namahagi sa mga AICS beneficiaries kung saan kinatawan ni Hermosa First Lady, Atty. Anne Adorable-Inton si Mayor Jopet Inton sa pamamahagi ng biyayang ito mula sa national government.
Naging posible ang proyekto dahil sa pinagsama-samang pwersa ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, Senator Bong Go, Congressman and Former House Speaker Lord Allan Velasco, Pusong Pinoy Party List Rep. Jett Nisay at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakatuwang ni Mayora Anne Inton sa distribusyon ng financial assistance ang mga Konsehal ng Bayan na sina Konsehala Luz Jorge Samaniego, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Jason Enriquez, Barangay Kapitan Marcelino Micua, Representante ng Pusong Pinoy Party List, at mga Barangay Officials.
Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay bahagi ng mga serbisyong proteksyon ng DSWD para sa mahihirap, marginalized at vulnerable/disvantaged na indibidwal. Ang AICS ay ipinatutupad na ng DSWD sa loob ng ilang dekada, bilang bahagi ng technical assistance at resource augmentation support nito sa mga LGU at iba pang partners.
The post Kalingang Hermoseño todo serbisyo sa Hermosa appeared first on 1Bataan.