Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay sangay ng pamahalaan na nilikha para sa preserbasyon at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.
Patuloy na itinataguyod ng KWF ang pagpapasigla sa paggamit ng ating wika sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng mga patimpalak gaya ng Dangal ng Wika 2022.
Kung kaya’t ngayon pa lang ay nag aanyaya na ang KWF sa lahat ng interesadong sumali sa nasabing timpalak na may pinalawig na pagsusumite ng mga nominasyon sa mga kategoryang, Kampeon ng Wika, Sanaysay ng Taon 2022 at Dangal ng Wika 2022.
Ang mga nais lumahok sa iba’t ibang kategorya ay kailangang mag-onlayn sa itinalagang link sa kategoryang nais lahukan; magkaroon ng KWF pormularyo sa nominasyon; liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahan na may lagda ng nagnomina; kailangan din umano ang curriculum vitae ng indibidwal o samahan at mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino.
Para sa nominasyon na ipadadala sa koreo, ilakip sa isang brown envelope ang lahat ng dokumento at ipadala sa, Lupon sa Dangal ng Wika 2022, Komisyon sa Wikang Filipino, 2/P Gusali Watson, 1610 kalye JP Laurel, San Miguel, Maynila.
Kung may mga tanong at iba pang detalye, mag txt o tumawag sa 0928- 884-1349 o mag e-mail sa, timpalak.gawad@kwf. gov.ph.
Ang huling araw ng pagsusumite ng nominasyon ay sa Hulyo 1, 2022 ganap na alas singko ng hapon.
The post Kampeon ng Wika 2022 appeared first on 1Bataan.