Karapatan ng kababaihan, tinalakay

Philippine Standard Time:

Karapatan ng kababaihan, tinalakay

Lalong naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso nang talakayin ni GABRIELA Partylist Representative Arlene Brosas, ang mga pagbabagong nais niya sa batas na may kinalaman sa mga karapatan ng mga kababaihan, nang maging panauhin siya sa pagdiriwang ng anibersaryo ng KABAKA nitong linggo sa bayan ng Orani.

Ayon kay Cong. Brosas, marami sa mga batas na pinag aaralan nila ngayong isulong sa kongreso ay ang Expanded Anti VAWC Law, kung saan ang mga akto ng karahasan sa mga kababaihan sa pamamagitan ng internet tulad ng sexual harassment, pagpapakalat ng malalaswang larawan ng babaeng may naka-relasyon para ipahiya ito, scamming at marami pang iba, ang nais nila ni Cong. Geraldine Roman na maisakatuparan gayundin magkaroon ng pantay na karapatan ang mga kababaihan sa mga kalalakihan.

Ang KABAKA, isang organisasyon ng mga kababaihan para itaas ang antas ng kanilang buhay ay itinatag noong 1997, ni dating Cong. Herminia Roman, may 27 taon na ang nakalilipas, na ipinagpapatuloy ni Cong.Geraldine na matulungan sa aspeto ng kabuhayan, edukasyon at kalusugan para maging katuwang ng kanilang asawa para mai-angat ang kanilang buhay; kasabay nito ay masiguro ang karapatan nila bilang mga babae sa ating lipunan at pamayanan.The post Karapatan ng kababaihan, tinalakay appeared first on 1Bataan.

Previous Allotment Release Order FY 2024 of Supplemental Budget No.1 FY 2024

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.