Kahit sinong taga-Bataan puwedeng paglingkuran ng tatlong Rural Health Units na kamakailan ay pinasinayaan ni Bataan Gov. Joet Garcia kasama si 3rd District Representative Gila Garcia, Dinalupihan Mayor Tong Santos, at kinatawan ni Sen. Bong Go.
Ang tatlong RHUs ay matatagpuan sa Barangay Roosevelt, Barangay Tucop, at Barangay JC Payumo, lahat sa bayan ng Dunalupihan. Sa tatlong RGUs, ang nasa Roosevelt ang pinakamalaki na animo’y isa nang mini-hospital dahil kumpleto ito sa pasilidad gaya ng paanakan, dental room, blood testing laboratory, pharmacy, pantry, nurses station, at ibang laboratory.
Sinabi ni Gov. Joet na ang mga RHU ay lalong magsusulong ng mga programang pangkalusugan na itinatadhana sa Universal Health Care Law. Ayon kay Cong. Gila, ang lahat ng serbisyo sa RHU ay libre kasama na ang mga gamot na handog naman ng Department of Health. Magtatalaga ng isang doctor na RHU specialist at dalawang nurses sa bawat unit.
The post Kasagutan sa Universal Health Care Law appeared first on 1Bataan.