Sa ika-8 taon ng pagdaraos ng Kasalang-Bayan sa Dinalupihan, umabot sa 78 pares ang ikinasal na ang pinakamatanda ay nasa edad na 67 at dito nakita ang tunay at wagas na pag-ibig sa pagpapakasal ng isang lalaki na naka-wheel chair, at ang babae mismo ang nagtutulak ng wheel chair. Ito ay dinaluhan nina Cong. Gila Garcia at Cong. Jette Nisay.
Ayon kay Mayor Tong Santos ay siya mismo ang naghain ng panukala para maging batas ang kasalang- bayan sa Sangguniang Bayan kasama si dating konsehala Emmy Lubag noong sila’y mga konsehal pa.
Ipinaliwanag niya na ngayong naaayon na sa batas ang kanilang pagsasama, dapat umanong prayoridad ng mag-asawa ang kanilang mga anak o magiging anak, na maging mabuting ama at ina sila para makabuo ng mahusay na pamilya na siyang bubuo ng matagumpay at maunlad na bayan at maging masinop umano ang mga ina ng tahanan sa pangangalaga sa buong pamilya. Ang mga ikinasal ayon kay MSWDO Ofelia Mendoza ay walang ginastos mula sa pagrerehistro sa munisipyo sa kanilang kasal, sa mga ginamit sa seremonya tulad ng belo, tali at aras gayundin ang pinagdausan ng kasalan at salu-salo. Nakatanggap sila ng regalong tig-isang libong piso at magandang wedding photo na naka-frame mula kay Mayor Yong Santos. Samantala, nagpa raffle sina Cong Gila at Cong Jette Nisay ng sampung tig-limang libong piso sa mga bagong kasal.
Ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan ay dumalo pati mga hepe ng iba’t-ibang tanggapan ng yunit pamahalaang lokal ng Dinalupihan.
The post Kasalang-bayan sa Dinalupihan appeared first on 1Bataan.