Halos dalawang linggo pa bago ang kapistahan ng patron Nuestra Señora del Pilar sa ika-12 ng Oktubre na may temang ” Inang Mahal, Pasasalamat ng Buong Bayan”, ay todo na sa paghahanda ang iba’t ibang komite sa Pamahalaang Bayan ng Pilar ng mga programa para sa buong linggong Kasinagan Festival.
Una sa kaganapan ay ang “Kainan sa Gedli” na tatlong taon nang ginaganap mula Oct 2 to 5 upang ipakita ang mga natatanging putahe na ipinagmamalaki ng kanilang bayan, kung kaya’t ang lahat ng mga nais makilahok ay magparehistro lamang sa Pilar Licensing Office.
Kasabay ng kainan sa Gedli ng Oct 2 ay ang bago nilang programang ‘Mobile legend Tournament”, na tiyak na kagigiliwan ng mga Kabataan. Ang mga kabataang nais sumali ay kailangan lamang makipag ugnayan sa kanilang SK President.
Isang masayang Pasiklaban ng Indak sa Kalye naman ang magaganap sa Oct.3 na bukas sa lahat ng kabataang Bataeño na may edad na 13 hanggang 30, na binubuo ng sampung miyembro, kung saan lima sa mga ito ay lehetimong taga Pilar
Isa sa pinakahihintay nang marami ay ang “Motor Show at Car Meet” sa Oct. 4, kung saan ang makikilahok ay mga lehitimong car enthusiasts na may valid driver’s license.
Sa Oct. 9, isang “Job Fair naman ang ihinanda ng Public Employment Service Office (PESO) na malaki ang maitutulong sa mga Pilarians na magkaroon ng hanapbuhay.
Inaasahang magiging masaya ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan dahil bukod sa iba’t ibang programa ay may mga pasorpresa din sa Mayor Charlie Pizarro na nag aanyaya ng mga tanyag na showbiz personalities.
The post Kasinagan Festival, pinaghahandaan na appeared first on 1Bataan.