Pinasinayaan ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang kauna-unahang Agri-Tourism Training Center sa Bayan ng Hermosa, Bataan.
Ayon kay Mayor Inton, ang sentro ng karunungan na ito ay natupad sa pakikipagtulungan sa Agricultural Training Institute Region III sa pangunguna ni Dr. Jayvee Bryan G. Carillo, katuwang ang Hermosa Municipal Agriculturist Sir Vincent Mangulabnan.
Layon ng agri-tourism center na ito na mapalawig pa ang kaalaman ng mga magsasakang Hermoseño sa larangan ng agrikulturang pangturismo na ayon kay Mayor Jopet ay malaking tulong sa dagdag na kita ng mga magsasaka habang napapangalagaan ang mga likas-yaman sa mga bukirin.
Ang agri-turismo ay nakasentro sa mga aktibidad na nakabatay sa agrikultura upang maakit ang mga manlalakbay sa mga sakahan at rantso.
Ito ay nilalayong maging pang-edukasyon, nakaeengganyo, hindi sa pagbanggit ng isang mas napananatiling mapagkukunan ng kita para sa mga magsasaka at lokal na komunidad.
The post KAUNA-UNAHANG AGRI-TOURISM CENTER, BINUKSAN SA HERMOSA appeared first on 1Bataan.