Kaunlaran ng Hermosa, tinalakay

Philippine Standard Time:

Kaunlaran ng Hermosa, tinalakay

Mga proyektong pangkaunlaran at mga plano para sa bayan ng Hermosa ang tinalakay ni Mayor Jopet Inton sa Candidates’ Forum na ginanap noong Marso 24, 2022 sa Lou-is Restaurant sa Balanga City.

Kabilang sa ipinagmalaki ng pilotong alkade ay ang mahigit P4 na bilyong Hermosa Mega Build Project na mag-uugnay sa mga bulubunduking barangay ng naturang bayan sa Subic Bay Freeport, Clark International Airport at sa Bataan Technology Park sa Morong.

Sinabi pa ni Inton na magkakaroon din ng expansion project ang Freeport Area of Bataan (FAB) sa Hermosa na magbibigay ng hanap-buhay sa mga residente.

Ang naturang talakayan na isinagawa ng Provincial Advisory Council sa pakikipagtulungan ng DepEd, Lions International, Rotary International at National Union of Journalists ay dinaluhan ng mga kandidatong mayor at vice mayor sa mga bayan ng Bataan.

The post Kaunlaran ng Hermosa, tinalakay appeared first on 1Bataan.

Previous FAB gradually recovers as COVID-19 cases drop

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.