Ipinagmalaki ni Bataan 1st District Representative Atty. Tony Roman ang kanyang pagdalo sa prestihiyosong UK-PH Cultural Connections sa paanyaya ni British Ambassador Laure Beaufils. Layunin ng pagtitipon ang palalimin ang ugnayan ng Pilipinas at United Kingdom sa larangan ng edukasyon at kultura.
Isa sa mga tinalakay sa pagpupulong ang mga konkretong hakbang upang mapaangat ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga oportunidad para sa international collaboration, tulad ng academic exchange programs, scholarships, at partnership sa pagitan ng mga unibersidad ng dalawang bansa.
Binigyang-diin ni Rep. Roman ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng dalawang bansa para sa ikauunlad ng kabataang Pilipino. Aniya, mahalaga ang mga ganitong inisyatibo upang matiyak ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
The post Kinatawan ng Bataan dumalo sa UK-PH Cultural Connections appeared first on 1Bataan.