Larong tennis muling bubuhayin sa Samal

Philippine Standard Time:

Larong tennis muling bubuhayin sa Samal

Kilala ang bayan ng Samal sa larong tennis katunayan, may tennis court dito na malapit sa plaza. Dati, sinasabing ang larong ito umano ay pangmayaman lang subali’t pinatunayan ng mga ordinaryong kabataang Samaleno na kahit sila ay nahilig sa sports na ito at nagdala ng maraming karangalan sa bayan ng Samal. Ayon kay Atty. Jay Consunji, madalas umano siyang mapiling ipadala noon sa mga kompetisyon gaya ng CLRAA at pinapalad namang maging kampeon.

Sa isang usufruct agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Samal sa pamumuno ni Mayor Aida Macalinao at Samal Tennis Club (STC) na ang presidente ay si G. Edwin Pardillo, muling bibigyan ng buhay at kakaibang sigla ang nasabing laro.

Sa nasabing kasunduan, ipagagamit nang eksklusibo sa STC ang may 1, 046 metro kwadradong lugar, gayundin ang clubhouse sa loob ng 25 taon simula 2021 hanggang 2046. Samantalang pagagandahin at pauunlarin naman ng STC ang nasabing tennis court at kapaligiran nito.

Ang nasabing kasunduan ay nakapaloob sa Sangguniang Bayan Resolution no. 21-115 series of 2021 na nilagdaan noong ika-28 ng Disyembre 2021 nina Mayor Aida Macalinao kasama sina Vice Mayor Jun Espino, mga miyembro ng SB, G. Edwin Pardillo at iba pang opisyal ng STC.

The post Larong tennis muling bubuhayin sa Samal appeared first on 1Bataan.

Previous “Bagong taon, bagong pag-Asa”

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.