Hudyat sa pagsisimula ng Pasko sa bayan ng Dinalupihan, ayon kay Mayor Tong Santos ay ang pamamahagi nila ng limang (5) libong laruan, doble ng bilang nang nakaraang taon para sa mga maliliit na bata.
Ito ang pangalawang taon ng balik-pasasalamat na hinandugan nila ng mga laruan, masarap na merienda, kasama ang mascot ng Jollibee at ang paglalaro sa inflatabl playground, sa napakalawak na oval sa Barangay Kataasan. Dagdag pa ni Mayor Tong Santos na talagang inihabol nila sa huling araw ng Nobyembre ito , dahil ang November ay Children’s month. Tiniyak ni Mayor Santos na sa araw na iyon, walang batang lalabas ng oval na walang dalang laruan, at lahat ay nakangiti kasama ang kanilang mga magulang.
Sa nasabing okasyon ay ibinalita rin ni Mayor Tong Santos na sa darating na January 2024 ay gaganapin nila ang unang taon ng pagdiriwang ng kanilang “Araw ng Dinalupihan.” Ayon pa sa kanya, matapos ang matagal na pandemya ay ibabalik na nila ang sectoral assembly simula sa Dec 5 hanggang Dec 19, kung saan ang iba’t ibang sektor sa kanilang bayan ay bibigyan ng pamaskong handog na may kasamang sayawan at kantahan.
The post Laruan para sa mga batang Dinalupiheños appeared first on 1Bataan.