Legislative building ng Pilar, pinuri

Philippine Standard Time:

Legislative building ng Pilar, pinuri

Pinuri ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan na pinamumunuan ni Vice Gov. Cris Garcia ang modernong gusali ng Sangguniang Bayan ng Pilar.

Naging maganda ang idinaos na sesyon ng SP sa pangunguna ni Vice Gov. Cris Garcia sa nasabing gusali kung saan hinikayat pa ang lahat ng miyembro ng SB Pilar na magtanong at kung ano pa ang nais nilang matutunan sa pagdaraos ng sariling sesyon, at ang paanyaya na minsan ay ganapin nila sa The Bunker SP Hall ang kanilang sesyon.

Sa ngalan ng mga bumubuo ng SB Pilar, nagpasalamat si Vice Mayor Ces Garcia, sa pagdaraos ng SP sesyon sa kanilang bayan. Humanga umano sila sa naobserbahang sesyon ng SP at nasabi sa kanyang sarili na, ang dami palang trabaho ng SP, pero dagdag pa niya na nangyayari din naman daw sa kanila na minsan ay talagang “loaded” ang kanilang agenda at ginagawa nila ang lahat para maisaayos ito.

Samantala ayon kay Konsehal Marvin, sa kakaunting oras, marami silang natutunan na pwede nilang gawin para ma-improve pa ang pagdaraos ng kanilang sesyon sa kanilang bayan at asahan umano ni Vice Gov. Cris Garcia na marami pa silang hihinging tulong sa Sangguniang Panlalawigan para lalo pang maging epektibo ang pagtupad sa kanilang tungkulin sa SB.The post Legislative building ng Pilar, pinuri appeared first on 1Bataan.

Previous Trade Fair, Kainan sa Gedli at Birit Barangay, binuksan sa Pilar

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.