Libreng maintenance drugs para sa senior citizens

Philippine Standard Time:

Libreng maintenance drugs para sa senior citizens

Hindi pinababayaan nina Dinalupihan Mayor Tong Santos, mga miyembero ng Sangguniang Bayan at 3rd District Representative Gila Garcia ang mga senior citizens na ayon sa kanila ay kayamanan ng kanilang bayan. Kung hindi dahil sa kanilang pagpupunyagi ay wala umanong asensadong bayan ng Dinalupihan sa ngayon.

 

Kung kaya’t ang mga senior citizens na nagdaos ng kaarawan noong mga buwan ng Enero, Pebrero, at Marso ay binigyan ng mga groceries nitong first quarter assembly at cash incentives para sa kanilang kaarawan. Dinagdagan pa ni Mayor Tong ang kanilang kasiyahan nang ibalita nito na ang tinatanggap na social pension ng mga indigent senior citizens na 500 piso mula sa pamahalaang nasyonal ay gagawin nang 1,000 simula buwan ng Enero ng taong ito.

 

Samantalang nakapasa na rin sa Senado panukalang batas na nagsasabing ang mga edad 80, 85 at 90 ay makatatanggap ng onetime na 10 libong piso. Kung kaya’t gayun na lamang ang tagubilin ni Mayor Tong Santos sa lahat ng nakatatanda na magpalakas at alagaan ang kalusugan, dahil sa bayan ng Dinalupihan mayroon umano silang anim na RHU, kung kayat siguradong may isang RHU na malapit sa kanilang lugar.

Isa ang Bataan sa tatlong napiling lalawigan na maging pilot province sa implementasyon ng Universal Health Care sa buong bansa; at sa bawat probinsya, dalawang bayan lamang ang kasali dito, isa na ang bayan ng Dinalupihan sa lalawigan ng Bataan, na may Pondong P53M mula sa Philhealth.

 

Ayon pa rin kay Mayor Santos may kaakibat na trabaho ang 53M na pondi dahil kailangang makapagpa-check up at makapag-rehistro sila ng 120k na mamamayan sa E-konsulta package, na sa ngayon ay 90k na ang rehistrado. Ang pinakamaganda pa rito ayon kay Mayor Tong Santos, balak nila sa Sangguniang Bayan na ang lahat ng sosobra sa 53M sa pagpapatakbo ng 6 na RHU ay ipambibili nila ng lahat ng klaseng maintenance drugs ng mga senior citizens sa kanilang bayan sa taong 2025.

The post Libreng maintenance drugs para sa senior citizens appeared first on 1Bataan.

Previous 187 college graduates in Bataan benefit in GIP

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.