Isinagawa nitong Lunes ang pamamahagi ng libreng school bags sa mga mag-aaral ng Antonio G. Llamas Elementary School sa ilalim ng programang Alalay Chikiting: Para sa Mas Matatag na Edukasyon ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles.
Pinangunahan nina Mariveles Mayor Ace Jello Concepcion, Konsehal Dan Banal, at School Principal Noel Lagman ang pamamahagi bilang suporta sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral ng mga estudyante.
Bukod sa pagbibigay-luwag sa gastusin ng mga magulang, layunin din ng proyekto na isulong ang lokal na kabuhayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga gawang-Mariveles na bag.
Ayon kay Mayor AJ, bahagi ito ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan upang matiyak na walang batang maiiwan sa edukasyon at mapalakas ang suporta sa mga lokal na mananahi.
The post Libreng school bags, ipinamahagi sa Mariveles appeared first on 1Bataan.