Spoiled daw ang mga senior citizens sa bayan ng Dinalupihan dahil hindi lamang maraming tulong pinansyal at medika ang inilalaan ng yunit pamahalaang lokal para sa kanila kundi pinag aaralan na ni Mayor Tong Santos ang paglalaan ng libreng sine para sa mga matatanda sa kanilang bayan.
Sinabi ito ni Mayor Santos sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang kanilang Quarterly Assembly.
Pinag-aaralan ang pagkakaroon ng libreng pa-sine kada buwan ng bagong pelikula na ipalalabas sa bulwagang bayan ng Dinalupihan na air-conditioned, para umano may iba pang pinaglilibangan ang mga matatanda.
Matatandaang labis na ikinatuwa ng mga matatanda nang ipahayag ni Mayor Santos na naglaan ng anim (6) na milyong piso ang pamahalaang lokal sa susunod na taon para mabigyan ng limang (5) libong piso ang bawat senior citizen sa buong Dinalupihan na may edad na 80 hanggang 89.
Ayon pa kay Mayor Santos, sa tulong nina Cong. Gila Garcia, Cong, Abet Garcia at Gov. Joet Garcia, nais nilang siguruhin na gawing maligaya, masaya, makulay ang buhay ng mga senior citizens.
The post Libreng sine para sa senior citizens appeared first on 1Bataan.