Kumbinsido si Mayor Ramil del Rosario na walang iligal na operasyon sa Central One.
Ito ay matapos ang ginawang inspeksyon nina Gov. Joet Garcia kasama ang PNP sa pamumuno ni Col Palmer Tria, NBI-Bataan sa pangunguna ni NBI Chief, Atty Nathaniel Ramos, Mayor Ramil del Rosario, Mayor Tonypep ng Orion bilang Presidente ng LMP Bataan at local media sa mga pasilidad ng Central One na hinihinalang POGO hub sa Bagac noong ika-25 ng Hunyo.
Sinabi ni Mayor Ramil del Rosario, na wala silang nakitang iligal sa operasyon ng Central One., Naniniwala umano siya na hindi nila tayo ilalagay sa alanganin dahil malaki ang tiwala natin sa kanila, natutuwa siya na ang mga taga Central One pa umano ang gumawa ng paraan para makasama at makita ng lahat kung ano ang nangyayari sa loob ng kanilang kompanya.
Ganito rin ang naging pahayag ni Gov. Joet Garcia na ang Central One ay tumatayo umanong Back Office Operations, marketing, payment, customer support ng mga kliyente nila sa ibang bansa at walang actual gaming operations dito, dahil hindi mismo sa Central One ginagawa ang mismong gaming operations, wala umano silang nakitang actual gaming operations at sila ay service provider ng isang gaming operation.
Bilang paglilinaw, sinabi naman ni Atty Joey Angeles, BOD ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), na ang Central One ay Accredited o nabigyan ng Master License ng AFAB at hindi ng PAGCOR. Samantala sinabi pa ni Mayor Ramil na tingnan natin ang bright side nito, na maraming mga kababayan natin ang nabigyan ng trabaho, At sa bayan ng Bagac sila namamalengke, kung saan milyon ang ginagastos umano sa pagkain pwera pa ang mga nagre rent sa mga air BnB at mga apartments, marami ang nagiging pakinabang ng mga taga Bagac dito. Subali’t sinabi rin ni Mayor Del Rosario na hindi dito natatapos ang lahat dahil patuloy silang magmomonitor kung nagiging kaiba na ang ginagawa nila sa kanilang operasyon.
The post Ligal ang operasyon sa Central One appeared first on 1Bataan.