Pormal na nagbukas ang Likha ng Bataeno Trade Fair na nagtatampok ng mga produktong gawang-Bataeño bilang suporta sa pagdiriwang ng Women’s Month sa Waltermart nitong nagdaang Biyernes, Marso a uno.
Ang naturang aktibidad ay proyekto ng Department of Trade and Industry Bataan provincial office sa pakikipagtulungan ng Waltermart – Bataan. Ayon kay Teresita Esteibar – Magtanong, information officer ng DTI Bataan, 37 kababaihang exhibitor ang lumahok sa pagtitinda na magtatagal mula Marso 1 hanggang 4, 2024. Ang tema ng trade fair ay “Inspire Inclusion,” na siya namang tema ng kampanya ng International Women’s Day para sa 2024.
Pinangunahan ang ribbon cutting ceremony nina DTI OIC – provincial director Eileen Ocampo, Business Development Division Chief Connie Sanico at ang kanilang grupo kasama si Kat Pajares, mall manager ng Waltermart – Bataan, at si Joel Jon Lumbao, mall administrator. Sa isang panayam ay hinikayat ni PD Ocampo ang mga mamimili na suportahan ang lokal na Micro, Small at Medium Enterprises.The post Likha ng Bataeno Trade Fair pormal na binuksan sa Waltermart appeared first on 1Bataan.