Hindi rin pabor si Senatoriable Loren Legarda sa rehabilitasyon at pagbubukas ng mothballed Bataan Nuclear Power Plant na matatagpuan sa Morong.
Ito ang kanyang naging tugon sa Bataan newsmen sa panayam nitong Hueves sa Bataan People’s Center sa campaign sorty ng BBM-Sara UniTeam Aniya, luma na kasi ito, matagal nang hindi nagamit at may mga safety issues pa.
Sumang-ayon naman siya sa mungkahi ni Bataan Governor Abet Garcia na i-convert na lang ang BNPP sa isang cloud computing facility.
Si Sen. Loren Legarda ay isa sa mga principal authors ng AFAB Law na nagconvert sa dating Bataan Economic Zone na ngayon ay naging Freeport Area of Bataan sa Mariveles na nagbigay ng libu-libong trabaho sa mga Bataeño.
The post Loren Legarda: No to BNPP rehab and operation appeared first on 1Bataan.