Sa patuloy na pagpapahalaga ni dating bokal Dexter Dominguez aka Teri Onor sa mga frontliners ng bayan ng Abucay ay muli na naman siyang namahagi nitong nakaraang Sabado, thru the Love Teri Foundation at sa suporta na rin ni Mayor Liberato “Pambato” Santiago, ng 45 boxes ng powered air-purifying respirators, isang top of the line o mataas na kalidad ng PPE, na sa ngayon ay sa RHU pa lamang ng bayan ng Abucay magkakaroon.
Ayon kay bokal Teri Onor, dahil sa pandemya hindi siya makauwi kung kaya’t ang kanyang Love Teri Foundation ang agad ay namahagi, ng mga PPE, face masks, alcohol at maging mga pagkain sa mga health workers sa 9 na barangay ng Abucay partikular na sa mga miyembro ng MDRRMO, PNP, Bureau of Fire, mga health workers at opisyal ng barangay.
Sinabi ni Teri Onor na prayoridad niya ang mga frontliners dahil sila ang unang sumusuong sa panganib at kung sila ang dadapuan ng COVID, lalong magiging kawawa ang kanyang mga kababayan.
Kung kaya’t marapat lamang na unahin sila na bigyan ng mga de-kalidad na PPE’s gayundin 1,000 face masks at 100 na puting PPE, para siguruhin na sila ay protektado. Ayon pa sa kanya, hindi mahalaga kung gaano kamahal ang nasabing PPE’s dahil mas mahalaga ang kaligtasan ng kanilang buhay.
The post “Love Teri Foundation” nag donate ng PPE’s appeared first on 1Bataan.