Hangad ni Bataan Gov. Jose Enrique Garcia III na mapabilis ang pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maiwasan ang matagal at malayong biyahe sa San Fernando, Pampanga.
Dahil dito hiniling ng Gobernador sa Sannguniang Panlalawigan sa pangunguna ng presiding officer nito na si Bataan Vice Gov. Cris Garcia na payagan ang nauna na pumasok sa isang memorandum of agreement sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.
Layunin ng kasunduan na sa pamamagitan ng 1Bataan One-Stop Service Center for OFWs (1BOSSCO) na may opisina sa gusali ng The Bunker na mapabilis at maging magaan para sa mga OFWs ang pagsasaayos ng kanilang mga papeles.
Pangkaraniwan na inaabot ng kung ilang araw ang mga OFWs sa paglakad ng mga papeles sa pamamagitan ng pagpila sa San Fernando, Pampanga.
Ibig mangyari ni Gov. Garcia na sa Bunker na lang dalhin ng DMW at OWWA ang kanilang mga serbisyo para sa mga OFWs hindi lamang ng mga taga-Bataan kundi para sa lahat ng nangangailangan ng serbisyo.
The post Mabilis na pagproseso ng mga papeles para OFWs appeared first on 1Bataan.