Magsasaka, makikinabang sa short food supply chain

Philippine Standard Time:

Magsasaka, makikinabang sa short food supply chain

Pinangunahan ni Congresswoman Gila Garcia ang katatapos na Farm Field day sa Dinalupihan, kasama ang mga opisyal ng Dept. of Agriculture na sina Atty. Joycel Panlilio, DA Central Office Consultant, DA Regional Officers, OPA Joanna Dizon at MAO mula sa iba’t ibang bayan.

Sa nasabing farm field day ay nagkaroon ng technology demonstration on high value crops production gamit ang drip irrigation kung saan ay pinatunayan nito ang masaganing ani ng kamatis, sibuyas at pipino.

Sa kanyang mensahe, tinalakay ni Cong. Gila ang isang typical agricultural value chain mula sa pagtatanim, pag aani, proseso ng storage hanggang sa makarating sa market, na mahaba at malayo ang nilalakbay, maraming kamay na palipat-lipat na sa bandang huli maliit ang kita ng magsasaka.

Samantalang sa pagkakaroon ng “Short Food Supply Chain”, pinakamaliit ang risk na kakaharapin ng mga magsasaka dahil diretso na sila sa mga restaurants, retail shops, consumers, food processors at maging sa siyudad, na may tatlong benepisyo, 1) Social benefit o may community network and increased cooperation; 2) Environmental benefit, mababawasan ang food waste, tataas ang production at better management of natural resources at ikatlo 3) Economic benefit, tataas ang kita ng magsasaka gayundin ang lahat ng pupuntahan ng produkto na siyang magiging suporta sa ekonomiya ng komunidad at bansa na may mataas na kalidad ng pagkain.

The post Magsasaka, makikinabang sa short food supply chain appeared first on 1Bataan.

Previous Mariveles Paleng- QR, sinimulan na

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.