Kahapon, ika-26 ng Marso ay binisita ni 2nd District Representative Abet Garcia ang bagong tayong Alauli Tricycle Terminal sa Ala-uli Junction, Pilar upang inspeksyonin ang pasilidad at makinig sa mga saloobin ng ating mga kababayang tricycle drivers na miyembro ng Ala-uli Tricycle Operators and Drivers Association (ALTODA).
Noong ika-22 ng Marso ginanap ang inagurasyon at pagbasbas ng pasilidad sa pangunguna ni Rev. Father Felizardo D. Sevilla na dinaluhan ng mga opisyal ng bayan ng Pilar sa pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro at Vice Mayor Ces Garcia, kasama ang mga opiyal at miyembro ng ALTODA.
Ang makabagong tricycle terminal ay nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng pondong ibinahagi nina Cong. Abet at Gov. Joet Garcia sa pakikipagtulungan ng yunit pamahalaang lokal ng Pilar.
Layon nito na gawing mas maalwan, ligtas at maayos ang paghahanap-buhay ng ating mga kababayang tricycle drivers gayundin ang mga pasahero.
The post Makabagong terminal sa Pilar, binisita ni Cong Abet appeared first on 1Bataan.