Malaki ang pag-asa sa mabilis na pagbangon, Gob. Joet

Philippine Standard Time:

Malaki ang pag-asa sa mabilis na pagbangon, Gob. Joet

Sa kanyang mensahe bilang bagong halal na gobernador, sinabi ni Gob. Joet na isang araw lamang ang eleksyon kung kaya’t inanyayahan niya ang lahat ng mga opisyal at mamamayan na sama-samang magtulungan para sa kaunlaran ng bayan.

Hiniling niya sa lahat na labanan ang pandemya at iba pang pagsubok, dahil malaki umano ang kanyang pag-asa sa mabilis nating pagbangon dahil sa mga inisyatibo at proyekto sa ating probinsya.

Pagdating sa kalusugan, sinabi ng bagong halal na gobernador na ang Bataan ay napili ng DOH bilang isa sa mga mangunguna sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law, na lalong magbibigay sa atin nang maayos na serbisyong medikal. Dagdag pa niya na sasabayan niya ito ng healthy lifestyle program para maging malusog at maka-iwas sa sakit ang mga Bataeño.

Samantala sa pangunguna ng DepEd, magiging epektibo ang blended learning lalo na pagdating ng face to face classes at sa tulong ng ating TELCO partners ay magagawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng paraan na magkaroon ng fiber to home internet nang walang bayad para sa edukasyon.

Dahil na rin sa kanyang isinulong na batas sa FAB Expansion, sinabi ni Gob. Joet, magiging maganda ang mga oportunidad kapag tayo ay naging sentro sa Region 3, Region 4A at NCR sa nalalapit na pagtatayo ng Bataan-Cavite interlink bridge.

The post Malaki ang pag-asa sa mabilis na pagbangon, Gob. Joet appeared first on 1Bataan.

Previous Parents empowerment, touch point ng bagong Gobernador

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.