Ito ngayon ang binibigyang pansin ni Mayor AJ Concepcion ng Mariveles. Kasama ang kanyang maybahay na si Atty. Marife Concepcion, Tagapangulo ng Turismo sa kanilang bayan, ay binisita nila ang minipark sa tabi ng munisipyo kung saan matatagpuan ang KM O Death March marker, heritage tree at replica ng Corregidor Landmark na pawang mahahalagang lugar sa ating Lalawigan na kinikilala ng National Historical Commission of the Philippines.
Ayon kay Mayor Concepcion kasama ang kasaysayan ng isang lugar sa mga nais matutunan at mapuntahan ng mga turista, at upang mapanumbalik ang sigla ng Turismo sa kanilang bayan ay hiningi niya ang tulong ng Cultural at Heritage Division ng probinsya at Arch. Earl Anthony Lingad, museum researcher, kung papaanong maibabalik sa natural state ang mga nasabing “labi” ng kasaysayan.
Sinabi pa ni Mayor Concepcion na mahalaga na maipakita natin ang respeto at pagmamahal sa mga bagay at lugar na tulad nito upang matutunan ng ating mga kabataan. Samantala, ayon naman kay Atty Marife Concepcion, sa ngayon ay nais nilang magkaroon ng kolaborasyon sa mga pribadong indibidwal o grupo para magkarooon pa ng ilang istruktura na makapagbibigay pa ng mas malalim na pakahulugan sa mayamang kasaysayan ng bayan ng Mariveles.
The post Malalim na pakahulugan sa ating kasaysayan appeared first on 1Bataan.