Tatanggap ng may kalahating milyong piso (P.5M) ang Samahan ng Mananahong sa Sitio Bakawan sa Abucay.
Sinabi ni Abucay Mayor Robin Tagle sa isang panayam kamakailan na ang naturang halaga ay nakapaloob sa isang memorandum of agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, San Miguel Corp., SM Group, Pamahalaang-bayan ng Abucay, at Samahan ng Mananahong sa Sitio Bakawan na pinamumunuan ni Teodoro Amposta.
Ang paglagda sa naturang MOA ay kaugnay ng ika-35 National Disaster Resilience Month Culminating Activity 2023. Ito ay isa sa mga bahagi ng “Project Transform” ng Department of Environment and Natural Resources. Ayon pa kay Tagle, ang bayan ng Abucay ay isa sa napili ng DENR para pagibayuhin ang pagpapadami ng bakawan para mapangalagaan ang kapaligiran at lalo na ng mga mananahong.
The post Mananahong sa Abucay tatanggap ng P.5M appeared first on 1Bataan.