Pinulong kamakailan ni Cong. Gila Garcia ang lahat ng mga Punong-bayan at opisyal sa ikatlong- distrito upang talakayin at mapagtulung- tulungan ang mga proyekto na kinakailangan para maiangat ang ekonomiya ng lahat ng mga bayan sa nasabing distrito.
Sa nasabing pulong ay nagkaroon ng pagkakataon si Mariveles Mayor AJ Concepcion para makuha ang atensyon ni Cong Gila Garcia at mga opisyal ng DPWH hinggil sa isang tulay na medyo mapanganib nang daanan ng mga sasakyan at kailangan nang mabigyan ng agarang aksyon.
Ayon kay Mayor Concepcion, delikado nang daanan ang tulay dahil sa lumalaking butas sa isang bahagi nito kung kaya’t hiniling niya kay Cong Gila at Ddistrict Engr. Llado na hindi lamang gawin ang tulay kundi baguhin din umano ang disenyo nito, upang isaalang-alang hindi lulubog ang munisipyo ng Mariveles at mapakinabangan pa ang kalsada doon.
Isa ito sa prayoridad na nakita ni Cong Gila Garcia kung kaya’t hiniling niya kay DE Ulysses Llado na agad ay pag-aralan ng kanilang tanggapan ang nasabing tulay sa Mariveles.
Nagpasalamat si Mayor Concepcion sa ipinakitang malasakit ni Cong Gila na mabigyang prayoridad ang nasabing problema bago pa man may madisgrasya sa mga daraan dito. Sa susunod na linggo ay inaasahan nang magpupulong ang mga tauhan ng DPWH at Mariveles LGU upang pag-aralan ang paggawa ng maganda at matibay na disenyo ng tulay.
The post Mapanganib na tulay, nabigyang pansin appeared first on 1Bataan.