Tiniyak ni Mayor AJ Concepcion na marami sa kanyang mga kababayan ang makikiisa sa pagdiriwang ng ika-267 Bataan Foundation Day, hindi lamang sa ipinakita nilang Hataw Sayaw Bataan kundi maging sa programang handog ng Pamahalaang Lalawigan.
Ang bawat Yunit Pamahalaang Lokal ay may inihandang pagtatanghal para sa kasiyahan ng lahat na gaganapin sa kapitolyo. Excited umano ang kanyang mga kababayan, sa mahahalagang magaganap sa araw ng pagdiriwang bukas na pasisimulan sa isang misa sa umaga tuloy sa parada mula sa Plaza Mayor de Ciudad de Balanga hanggang sa Bataan People’s Center.
Isa sa tampok ng pagdiriwang ay ang State of the Province Address ni Gov. Joet na mahalagang mapakinggan ang mga accomplishment at tagumpay ng Probinsya sa kanyang pamumuno gayundin mga plano sa hinaharap sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeno.
Naglaan din ng dagdag na kasiyahan tulad ng mga laro, karera ng 1bataan, at ang pinakaaabangan ng mga kabataan ang pagtatanghal ng mga bandang Sunkissed Lola, Dilaw, 6cyclemind at ni Ely Buendia.
The post Mariveleños, makikiisa sa pagdiriwang ng Bataan Foundation Day appeared first on 1Bataan.