Pinuri ni Gov. Joet Garcia ang napakaraming pagbabagong nagawa ni Mayor AJ Concepcion sa kanyang first 100 days in office, na kumpleto at produktibo na parang hindi lang 100 days kundi higit pa.
Dagdag pa ni Gov. Joet sa ipinakitang ito ni Mayor AJ, tiyak na maraming trabaho pa ang maibibigay sa mga tao at marami pang locators ang papasok sa bayan ng Mariveles, kung kaya’t asahan umano ang kanyang suporta sa pangangailangang ng mga Mariveleños.
Samantala, bitbit ang vision at adhikain na mapabuti ang kapakanan ng bawat pamilyang mariveleno, itinatak ni Mayor AJ Concepcion sa kanyang puso at isip na bayan ang mauuna, ” Mariveles muna, Mariveles una”.
Kanyang iniulat sa kanyang 100 days in office ang mahahalagang programa na nagsusulong sa kaunlaran, ang 10 importanteng sector: Kalusugan, Edukasyon, Kabataan, Agrikultura, Kabuhayan, Kalikasan, Imprastraktura, Serbisyong Panlipunan, Kapayapaan at Kaayusan at Good Governance.
Sa kalusugan ay nabisita ni Mayor Concepcion ang 4 na Rural Health Units at 38 Brgy. Health Centers at naibigay ang mga kinakailangang pagbabago samantalang sa Edukasyon ay lalo pang pinarami ang may 2,500 mga Iskolar ng Mariveles gayundin ang mga pagbabago sa iba’t ibang sektor na talagang ikinatuwa ni Gov. Joet Garcia.
Sa panghuli bukod sa pinasalamatan ni Mayor Concepcion ang suportang naibigay nina Gov. Joet, Cong. Abet at Cong. Gila Garcia, sinabi niyang, “his first 100 days in office is both a learning and a challenge for us, but we remain steadfast and upright, as we hold ourselves accountable to the public”.
The post Mariveles muna, Mariveles una appeared first on 1Bataan.