Sa panahon ng kalamidad, sinabi ni Mayor AJ Concepcion na mahalagang pangangailangan ng mga tao lalo na ng mga nasa evacuation centers ang malinis na tubig, gayundin ang kanilang hygiene.
Kung kaya’t kasabay ng kanyang pagbisita sa mga nasabing evacuation centers ay inatasan niya ang kanyang Municipal Sanitation Team na puntahan ang lahat ng evacuation centers sa Brgy. Ipag, Alasasin at Townsite at siguruhinn na ligtas at maayos ang kanilang kalusugan at kalinisan. Namahagi sila ng mga tubig, hygiene at sanitation kits sa may 134 na pamilya, kasabay ng pagsasagawa ng fogging at vector surveillance upang masiguro na ligtas ang mga evacuees sa banta ng sakit na dengue. Lagi ring naka-antabay ang Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Gerald Sebastian na bantayan ang kalusugan ng mga mamamayan lalo ng mga bata at senior citizens
The post Mariveles sanitation team ng nagsagawa ng fogging at vector surveillance appeared first on 1Bataan.