Sa darating na Nobyembre, inaasahan ang malawakang kampanya kontra paninigarilyo at paggamit ng vape sa bayan ng Mariveles. Ang hakbang na ito ay bunga ng katatapos na 2023 Convocation at Strategic Planning Workshop na ginanap nitong ika-12 ng Oktubre sa Romalaine’s Restaurant.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, tinalakay sa nasabing workshop ang mga pinal na hakbang para sa epektibong pagpapatupad ng Municipal Ordinance no. 2023-233 na naglalaman ng mga polisiya sa paggamit at pagtitinda ng sigarilyo at vape.
Sinabi pa ni Mayor Concepcion na masusi nilang pinag aaralan ang mga hakbang na naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng kanilang mga kababayan lalo na ang mga kabataan, kaugnay sa pagsusulong ng maayos na pamumuhay ng bawat pamilyang Mariveleño.
The post Mariveles Smoke-Free Generation program, higit na pinatatag appeared first on 1Bataan.