Bilang bahagi ng direktiba ni PNP Chief PGen Nicolas Torre ukol sa 5-Minute Response Time Strategy, nagsagawa ng isang demonstration ang Orani Municipal Police Station sa pangunguna nina Bataan Police Provincial Director PCOL Marites Salvadora at Orani MPS OIC PMAJ Patrick Balcanao noong Hulyo 11, 2025.
Ayon kay Orani Mayor Jon Arizapa, layunin ng aktibidad na tiyakin ang kahandaan at bilis ng tugon ng kapulisan sa oras ng emerhensiya upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga residente. Ginanap ito sa Orani Command Center Office kung saan ipinakita ang epektibong koordinasyon at paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagbibigay serbisyo.
Dumalo rin sa nasabing gawain sina Konsehal Tonton Reyes at ABC President Kap. Marvin Dela Cruz, na kapwa nagpahayag ng suporta sa patuloy na inisyatibo para sa mas ligtas at progresibong bayan ng Orani.
The post Mas mabilis na kapulisan, mas ligtas na Orani appeared first on 1Bataan.