Maganda ang naging resulta ng talakayan ng mga inimbitahang kabataang lider sa kapehan online na “Kumustahan kay Mayor Kuya AJ, para kumustahin ang kanilang kalusugang pang kaisipan.
Sinabi ni Mayor AJ Concepcion na ang nasabing kumustahan ay isang ligtas na espasyo, kung saan malayang mapakikinggan ang pinagdaraanan ng mga kabataan maging ito ay sa kanilang tagumpay, takot o pangarap.
Ang nasabing talakayan ay isa sa kanilang mga gawain kaugnay sa pagdiriwang ng mental health month para ipaalam sa lahat lalo na sa mga kabataan na hindi kailangang haraping mag-isa ang anumang gumugulo sa kanilang isipan. Nandirito, una na ang kanilang mga magulang, pamilya, mga kaibigan at ang kanilang mga opisyal sa bayan ng Mariveles na handang makinig at sumuporta para makabuo ng isang komunidad na kumikilala at nagmamalasakit sa isang tao, na kapag may nagsabing, “Hindi ako okay”, ay may sasagot na, nandirito kami na handang sumuporta sa iyo.The post Mas malusog na kaisipan para sa magandang kinabukasan appeared first on 1Bataan.