Pinangunahan ni Gov. Abet Garcia, Dinalupihan Mayor Gila Garcia at Israeli Ambassador Ilan Fluss ang lowering of the time capsule/groundbreaking ceremony ng pinakamalaki at pinakamodernong 1Bataan Post-Harvest Center sa lalawigan ng Bataan, na itatayo sa Barangay Calaylayan, Bayan ng Abucay.
Ayon kay Gov Abet Garcia, ang nasabing post harvest center ay may kapasidad na magproseso ng 20, 000 tonelada ng mga gulay at prutas araw-araw kung kaya’t masasabing ito na sa ngayon ang pinakamalaki at pinaka-advanced na post harvest facility sa buong bansa.
Samantala sinabi naman ni Mayor Gila Garcia na simula umano sa buwan ng Oktubre sa taong ito ay madadagdagan pa ng 45 magsasaka ang sasailalim sa learning process ng drip irrigation farming, habang ang dating 10 pilot farms sa bayan ng Dinalupihan ay madadagdagan pa ng 24, sa Morong ay magkakaroon ng 4 at 17 naman sa Lungsod ng Balanga.
Sinabi pa ni Mayor Gila na nais natin at ng mga magsasaka na humaba pa ang buhay ng kanilang mga ani. Ang center na ito ay may magandang cold storage. Ito rin umano ang layon natin,, masaganang ani, mataas na kita para sa ating mga magsasaka. Bukod pa rito, ito na rin ang oportunidad na matutunan natin ang teknolohiya ng Israel at makakuha ng pondo mula sa Department of Agriculture;
Ayon pa rin sa masipag na mayora, kung marami tayong aning gulay at prutas na mataas ang kalidad sa abot-kayang presyo, magiging malusog ang mga taga-Bataan at may posibilidad pa na makapag-export
The post Masaganang ani, mataas na kita para sa mga magsasaka appeared first on 1Bataan.