Bagama’t tag-araw pa lamang, ay masusi nang pinag aaralan sa bayan ng Mariveles ang Proposed Master Plan and Feasibility Study on Flood Control and Drainage Improvement.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, naghain sa kanilang LGU ang CTI Engineering International Co. Ltd, ng plano at pagsusuri sa kanilang bayan para sa nasabing master plan.
Kasama ni Mayor Concepcion sa pagpupulong sina Konsehal Ronald Arcenal, konsehal Omar Cornejo, Konsehal Vonnel Isip, Mun Admin Tito Catipon, MPDO Engr. Glady Dacion, Mun Engr’ng Office, Engr.Ildefonso Tarriela, at GSO Engr. Clay Gomez kung saan tinalakay ang kahalagahan ng proyekto, na ayon sa kanila, mahalagang maaga pa lamang ay mapag- aralan na kung papaanong maiiwasan at mabibigyang solusyon ang mga pagbaha, pagtaas ng tubig o di kaya’y mapaganda ang daloy ng tubig sa mga kanal at iba pang daluyan nang sa gayon ay magawa ito sa iba’t ibang barangay.
Sinabi pa ni Mayor Concepcion na kinakailangang maprotektahan ang kanyang mga mamamayan, mga ari- arian at mga imprastraktura laban sa pinsalang idudulot ng mga bagyong darating.
Ngayon pa lamang dagdag pa ng masipag na punong bayan na, dapat ay magkaroon na, ng maayos, episyente at epektibong flood control at drainage system para sa kaligtasan ng bawat pamilyang Mariveleño.
The post Master plan on flood control, pinag-aaralan na appeared first on 1Bataan.