Simula bukas, araw ng Huwebes hanggang Biyernes (Mayo 19 at 20) ay muling magbabalik ang Department of Trade and Industry o DTI Diskwento Caravan sa Plaza Mayor de Ciudad de Balanga, Bataan.
Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug, nasa 53 distributors, retailers, at mga micro, small and medium enterprises o MSMEs ng Bataan at iba pang lugar ang makikiisa sa naturang okasyong pang negosyo.
“After two years po ay muli itong nagbabalik. Nabalam ang ganitong mga aktibidad dahil sa pandemyang hatid ng Covid-19. So ngayon po praise God at unti unti na pong bumabalik ang pagsigla ng ating ekonomiya lalo na sa larangan ng pagnenegosyo,” pahayag ni PD Cabahug sa panayam ng RMN News.
Kabilang sa mga mabibili rito sa mas mababang halaga ay ang mga grocery products, school supplies, bags, shoes, houseware, bedsheets at sari saring mga produktong Bataeño.
Ang Diskwento Caravan (DC) ay isang inisyatiba ng DTI katuwang ang mga manufacturers at distributors ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin, na naglalayong magbigay ng makatuwirang presyo ng mga de-kalidad na produkto sa mga mamimili.
Ang mga produktong ibinebenta rito ay mas mababa ang presyo kaysa sa kanilang mga iminungkahing retail na presyo at kung minsan ay ibinebenta sa mga pakete, na nagbibigay ng pagtitipid sa mga mamimili.
The post Matapos ang 2 taon… DTI Diskwento Caravan muling bubuksan sa Balanga City! appeared first on 1Bataan.