Wala nang gaanong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Bataan kung kaya’t may sapat na karne ng baboy sa ating palengke ngayong “Ber” months hanggang Pasko.
Ito ang pahayag ni Dr. Alberto Venturina, hepe ng Provincial Veterinary Office, na nagsabing “hindi naman tinamaan ng ASF ang commercial hog farms sa Bataan kundi mga native hog raisers lamang.” “Marami pa naman backyard farms na hindi tinatamaan, native pigs lang usually ang tinatamaan ng ASF,” paliwanag ni Venturina.
Ang isa umanong dahilan kung bakit kaunti lamang ang nagtitinda ng karneng baboy sa palengke ay sa dahilang mataas ang farmgate price. Ang presyo ng baboy ngayon ay mula P350 hanggang P380 kada kilo. Sinabi naman ni Joselito Evangelista, Balanga City Treasurer, na hindi muling bumalik sa pagtitinda ng baboy ang ilang magbababoy sa Balanga. Umaangkat na lang umano ang ilang meat vendors sa Balacan at Tarlac.
The post May sapat na karneng baboy sa ‘Ber’ months– Venturina appeared first on 1Bataan.