Pinangunahan ni Gov. Joet Garcia, ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na pamunuan ng Provincial Advisory Group for Police Transfomation and Development (PAGPTD) kung saan ang nahalal na pangulo ay si Mayor Charlie Pizarro ng bayan ng Pilar.
Ang iba pang mga opisyal ng grupo ay sina Maricel Santiago-Galura-Bise Presidente, Ma. Girlie Bedizon-Kaliohim, Zeny Soriano- Information officer, mga kinatawan ng iba’t ibang sektor: Malou Naval sa Sr. Citizen, Ramon Perez- Education, Franz Arabia- Kabataan, Lourdes Monzon- Transportation, Pastor Rolando Acda- religious sector, lahat ng kapulisan sa pamumuno ni PNP Prov’l Director Romell Velasco at lahat ng COP sa bawat bayan.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Gov. Joet Garcia na sa tulong ni PD Romell Velasco, isa umanong welcome development sa lalawigan ang PAGPTD, dahil sa tulong na maibibigay ng grupo na mas mapabuti pa ang kakayahan ng ating kapulisan lalo na ngayon na sa hamon ng pandemya na manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya.
Gayundin magandang katuwang ang grupo para madagdagan pa ang kaalaman ng kapulisan sa kanilang imersyon sa komunidad at magkaroon ng ms magandang relasyon sa mga mamamayan.
Ayon naman kay Mayor Charlie Pizarro, layunin ng organisasyon na lalo pang palakasin ang kalidad ng serbisyo ng kapulisan sa pagbibigay sa kanila ng mga paalala, pamamaraan at makabuluhang gawain; kung kaya’t magpapatuloy ang pagtulong ng grupo upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng lalawigan.
The post Mayor Charlie Pizarro, pangulo ng PAGPTD appeared first on 1Bataan.